Silver Crown Restaurant

Friday, March 11, 2016

On one of our Craving Moments, we went to try the Silver Crown Restaurant in Caloocan City near Monumento. Sobrang dami ng tao! Waiting pa kami ng ilang minutes bago nakaupo. So habang waiting na makaupo sa table ay tumingin na kami sa menu and umorder na ng food in advance  para pag nakaupo na kami ay konting oras na lang ang aantayin ( di naman halatang gutom na kami ). We ordered the Buttered Chicken in half, Spicy Shrimp, Pancit Canton, Fried rice and Chicken Sandwich.

The place is very busy, dami tao and may mga waiting pa na makaupo. Meron nga ding nag-aantay lang for their order na take-out or to go. Lagi ding nagriring  ang phone nila for orders siguro and reservation.

Finally, we are guided by one of the waiters to our seats. Me, Jhoe and our son JC waited for about 5 to 7 minutes more for our food to arrive. At last kakain na kami!

Here is my son JC posing for a photo before kami kumain.





Sa ambiance, wag ka na lang magexpect Ng sobrang cozy and magandang view, because its not. Pero ang nakakaintriga ay bakit ang daming tao na pumupunta dito para kumain. Saka namin nalaman ang sagot nung dumating na ang food at matikman namin. Ang sarap pala at di siya ganun kamahal ha. Hindi na ako masyadong nakapagpicture ng food for this blog review of Silver Crown Restaurant dahil talagang gustong gusto na naming kumain. Naenjoy ko yung Pancit Canton nila, di siya tinipid sa ingredients dahil madaming veggies at ang sarap ng sauce. Naenjoy naman ni Jhoe ang Spicy Shrimp, malasa at maanghang which is gustong-gusto nya. And for my little kiddo, the best for him ay ang Buttered Chicken.

We spent less than 500 pesos for all of this! Value for money if you ask me. Pwede din ang Silvercrown Restaurant for special Occasions like Birthdays, Pabinyag and even kapag  gusto nyo lang mag foodtrip like us. Grabe they serve delicious Chinese dishes at really affordable price.  They also accept reservations and you may contact them to this number at Tel. No. 362-3493/361-3744 and their address is 255 Samson Road, Caloocan City Metro Manila Philippines. Nalaman ko na lang na sila pala ang famous Pines Restaurant dati na located malapit sa Araneta Square sa may Monumento ngayon. Lagi din umoorder sila Papa at mga Tito ko sa Resto na yun dati nung mga bata pa kami. Gustong gusto namin dati doon ang Nido soup nila. I would really recommend it to my friends na itry nila kumain dito. Thumbs up for me.

You Might Also Like

0 comments

Your Advertisement Here

Live Traffic

Featured Ad